Linggo, Nobyembre 18, 2018

Kahalagahan ng Hayop sa Buhay ng Tao at Lipunan

Kahalagahan ng Hayop sa Buhay ng Tao at Lipunan


Layunin:

* Ibigay ang nararapat na pag-aalaga sa mga hayop

* Maiparating sa mga mambabasa ang importansya ng mga hayop sa ating pamumuhay

* Maipahayag ang tamang pagtrato sa lahat ng hayop


   



  Ano nga ba nag karapatan ng mga hayop? Mahalaga ba sila sa lipunan? Paano ba natin sila pahalagahan? 

  Ang mga hayop ay isa sa mga nilalang ng Diyos katulad din nating mga tao.Ang bawat isa sa atin ay may karapatan at kabilang sila dito. Anumang hayop na meron tayo,nararapat lamang silang algaan ng tama,pakainin,bigyan ng maayos na tirahan at maging malaya.


     Minsan, nawawala ang ating kamalayan at hindi natin naiisip na pwede silang makatulong sa ating pamumuhay. Maliit man o malaking uri ng hayop ito. Tulad na lamang ng kalabaw,ito ay tumutulong sa magsasaka upang mapadali ang pag-aararo sa lupang tataniman ng palay, gayundin naman ang kabayo, napapabilis nito ang pagkakarga ng naaning palay para madala ito sa dapat kalagyan.Gayunpaman,ang aso ay pwede ring makatulong sa pamamagitan ng pag-eensayo sa kanila para mautusan sa mga simpleng bagay.


     Pero sa kabila nito, maraming tao ang patuloy na inaabuso ang mga hayop at isa dito ang aso. Maraming aso na pinapabayaan na lamang ng kanilang mga amo. Itininataboy at hinahayaan tumira sa kalye na tinatawag ding "street dogs" at sila ang kadalasang naabuso ng mga tao.


     Sa aking obserbasyon sa panahon ngayon, marami ng tao na hindi binibigyang halaga ang mga hayop. Inaalipusta nila ito, sinasaktan at ang malala umaabot ito sa pagpatay. Napakalaking kasalanan ang pumatay ng tao gayundin sa hayop kaya't magkaroon tayo ng pagpapahalaga sa mga ito dahil isa sila sa mga nilikha ng Diyos na dapat mahalin at alagaan. Hayop man ay may karapatan din at kahalagahan.